Pagtatama ng pangalan sa official ballot hanggang Nov. 8 na lang – Comelec

MANILA, Philippines- Hanggang sa unang linggo na lamang ng Nobyembre ang paghahain ng pagtatama sa pangalan ng mga kandidato sa halalan sa Mayo 2022.
Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez na hanggang Nobyembre 8 lamang maaaring magsumite ng request ang mga kandidato para sa pagtatama ng pangalang lalabas sa balota sa darating na eleksyon.
Hanggang Nobyembre 15 naman ang deadline ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa substitution ng isang opisyal na kandidatong umurong, namatay o na-disqualify.
Naglabas ang Comelec ng tentative list ng mga kandidato nitong Biyernes, ngunit partial list lamang ang inilabas ng ilang rehiyon.
Ang listahan ay base sa COCs, Certificates of Nomination and Acceptance, at Certificates of Nomination na isinumite magmula Oktubre 1 hanggang 8 at maaaring makita sa comelec.gov.ph.
Para sa national post, mayroong 97 kandidato sa pagka-Presidente, 28 naman sa pagka-Bise Presidente, 174 kandidato para sa pagka-Senador at 270 sa party-list.
Hanggang Oktubre 30 naman ang extended voters’ registration. RNT/SA
Pagtatama ng pangalan sa official ballot hanggang Nov. 8 na lang – Comelec
Source: Filipino Pinoys
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento