Pelicans nilapang ng Wolves

MINNEAPOLIS — Umiskor si Karl-Anthony Towns ng 15 sa kanyang 25 points para sa Minnesota sa first quarter bago ma-foul out at panoorin na lang panalo ng Timberwolves, 96-89, kontra sa New Orleans Pelicans.

Kumamada si Anthony Edward ng 14 sa kanyang 19 points sa first  half para sa undefeated na Timberwolves na sumandal sa kanilang depensa.

Umambag din si Brandon Ingram ng 30 points kasama ang pitong turnovers habang si center Jonas Valanciunas ay kumana ng best game na 20 points at 17 rebounds.

Nananatiling walang panalo ang Pelicans dahil wala ang kanilang pambatong si Zion Williamson.

Sa ibang laro, pinalamig ng Indiana Pacers ang Miami Heat, 102-91, sa kanilang laban na pinanood ng libo-libong fans, habang sinuwag naman ng Chicago Bulls ang Detroits Pistons para makuha ang panalo sa iskor na 97-82.

Nanguna sa panalo ng Bulls si DeMar DeRozan na kumamada na 21 points.

Bumida naman si Evan Mobley sa itinipa nitong 17 points, 11 rebounds at four blocks sa naging panalo ng Cleveland Cavaliers kontra Atlanta Hawks, 101-95.JC



Pelicans nilapang ng Wolves
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento