P5M puslit na sibuyas nakumpiska ng BOC-CDO
P5M puslit na sibuyas nakumpiska ng BOC-CDO

Manila, Philippines – NASA P5 milyon halaga ng ismagel na pulang sibuyas ang kinumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa isinagawang pagsalakay sa isang bodega sa Cagayan de Oro.
Sa bisa ng Letter of Authority at Mission Order mula kay Commissioner Rey Leonardo Guerrero, sinalakay ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Port of Cagayan de Oro (BOC-CDO) ang isang bodega na matatagpuan sa Dacudao, Corrales Extension, Barangay Puntod, Cagayan de Oro nitong Oktubre 22, 2021.
Sa ginawang operasyon ay walang naabutan na kinatawan ang nasabing bodega at sarado na umano ang mga gate ng nasbaing warehouse kaya’t sinelyuhan nila ang mga gate at ipinagpatuloy ang pag-iinspeksyon kinabukasan.
“The following day, authorities resumed the conduct of inspection in the presence of the warehouse representative which further revealed the presence of imported agricultural products such as garlic, onion, mung beans, carrots, and other assorted imported goods,” saad ng BOC.
Ang mga nasabing produktong pang-agrikultura ay isasailalim sa seizure and forfeiture proceedings sa ilalim ng Seksyon 224 ng Customs Modernization and Tariff Act kung ang mga kinakailangang dokumento sa pag-import ay hindi maipapakita sa loob ng 15 araw.
Gayunman, ang mga nasamsam na saku-sakong mga pulang sibuyas na tinatayang nagkakahalaga ng P5 milyon ay itinuturing na mga ismagel makaraang maberipika ng Department of Agriculture na wala itong importation permit kaya’t irerekomenda ang mga ito na isyuhan ng Warrant of Seizure and Detention.
“The warehouse will be sealed and activities within the area will be put on hold until the compliance of clearances of other imported agricultural products found inside,” saad ng BOC. JAY Reyes
P5M puslit na sibuyas nakumpiska ng BOC-CDO
Source: Filipino Pinoys
P5M puslit na sibuyas nakumpiska ng BOC-CDO
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento