Active COVID case sa Malabon
Active COVID case sa Malabon, Navotas patuloy na bumababa

Manila – Bumaba na sa 92 ang active COVID cases sa Malabon City nitong Oktubre 23.
Ayon sa City Health Department, lima ang nadagdag na confirmed cases sa nasabing araw. Sa kabuuan ay 21,069 ang positive cases sa Malabon.
Ang mga bagong kaso ay naitala mula sa Barangays Concepcion (2), Dampalit (1), Tonsuya (1) at Tugatog (1).
Sa kabilang banda, 11 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sila ay mula sa Barangays Catmon (1), Flores (1), Niugan (2), Tinajeros (2), Tonsuya (1) at Tugatog (4).
Sa kabuuan ay 20,340 ang recovered patients natin at mapalad na hindi nadagdagan ang 637 COVID casualties.
Sumadsad naman sa 82 ang active COVID cases sa Navotas hanggang 11:59 pm ng Oktubre 22 matapos na apat ang mahawaan at 16 naman ang gumaling.
Pumalo na sa 17,538 ang tinamaan ng COVID sa fishing capital, at sa nasabing bilang ay 916 na ang gumaling at walang nadagdag sa bilang ng mga pandemic fatalities. Merly Iral
Active COVID case sa Malabon, Navotas patuloy na bumababa
Source: Filipino Pinoys
Active COVID case sa Malabon
Navotas patuloy na bumababa
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento