Mahigit 100 pagyanig sa Taal volcano, naitala ng Phivolcs

MANILA, Philippines- Nakapagtala ang State seismologists ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng 103 lindol sa nakalipas na 24 oras sa Taal volcano.

Sa 103 pagyanig, sinabi ng Phivolcs na 21 dito ay volcanic tremor events na tumagal ng isa hanggang dalawang minuto, 74 ay low-frequency volcanic earthquakes, at walo ay hybrid events at low-level background tremor magmula pa Hulyo 7.

Ayon sa Phivolcs, ang aktibidad sa main crater ay pinangungunahan ng pagtaas ng mainit na volcanic fluids sa lawa nito na naging sanhi ng 1,200 metrong plumes.

Nasa 5,943 tonelada rin ang naitalang sukat ng sulfur dioxide emission nitong Biyernes.

“Based on ground deformation parameters from electronic tilt, continuous GPS and InSAR monitoring, Taal Volcano Island has begun inflating in August 2021 while the Taal region continues to undergo very slow extension since 2020,” paliwanag ng Phivolcs.

Pinaalalahanan naman ng Phivolcs ang publiko na nananatili sa Alert Level 2 ang Taal Volcano na nangangahulugang maaari itong magpakita ng “increased unrest.”

“At Alert Level 2, sudden steam- or gas-driven explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall, and lethal accumulations or expulsions of volcanic gas can occur and threaten areas within and around TVI,” pahayag nito. RNT/SA



Mahigit 100 pagyanig sa Taal volcano, naitala ng Phivolcs
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento