80% ng 12M bata target mabakunahan vs COVID bago matapos ang 2021 – DOH
80% ng 12M bata target mabakunahan vs COVID bago matapos ang 2021 – DOH

MANILA, Philippines – Target ng pamahalaan na mabakunahan kontra COVID-19 ang nasa 80% ng 12 milyon ng populasyon edad 12-17 taong gulang bago matapos ang taon.
Ito ang sinabi ng Department of Health (DOH) ngayong Huwebes, Oktubre 28 kung saan nakatakda nang ikasa ang pediatric vaccination sa nasabing age group simula sa Nobyembre 3 at palalawigin sa buong bansa sa Nobyembre 5.
Matatandaan sinimulan ang pagbabakuna sa mga bata na mayroong comorbities dito sa Metro Manila noong Oktubre 15.
Maliban dito, inihayag naman ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje na layon rin nilang mabakunahan ang iba pang miyembro ng pamilya upang mas maging maayos ang inaasahang pilot implementation ng face-to-face classes.
Sa kasalukuyan ay nasa 4.6 milyon o 56.22% ng senior citizen ang fully vaccinated na kontra COVID-19 habang 3.79 milyon o 45.91% naman ang nakatanggap na ng first dose.
“We are hoping that with children’s vaccination ay i-increase ang pagbabakuna ng ating mga lolo, mga lola, mga A2 (elderly). Initially may feeling na ‘Wag na kami mga anak na lang namin,’” ani Cabotaje.
“Now that the children are okay, baka maengganyo rin ang buong pamilya magpabakuna,” dagdag pa nito.
Ipinahahanda naman ng DOH ang mga local government units (LGUs) ng mga vaccination site na maaari nilang pagdausan ng pediatric vaccination.
“Kailangan ready sila sa response, pagkatapos ng pagbabakuna ready ang equipment na pediatric…Iba po ang pang-bata at saka adult. Otherwise they might just opt to do it in hospitals.” RNT
80% ng 12M bata target mabakunahan vs COVID bago matapos ang 2021 – DOH
Source: Filipino Pinoys
80% ng 12M bata target mabakunahan vs COVID bago matapos ang 2021 – DOH
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento