Malabon
Malabon, Navotas tig-isang todas sa COVID

MANILA, Philippines – Isa ang patay sa Malabon dahil sa COVID-19 nitong Oktubre 26 habang 21 ang nadagdag na confirmed cases. Sa kabuuan ay 21,114 ang positive cases sa lungsod, 92 dito ang active cases.
Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangays Baritan (2), Bayan-bayanan (1), Catmon (2), Concepcion (7), Dampalit (1), Longos (3), Panghulo (2), Santulan (1), Tinajeros (1), at Tugatog (1).
Sa kabilang banda, 12 na pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sila ay mula sa Barangay Baritan (1), Catmon (2), Dampalit (2), Muzon (1), Panghulo (1), San Agustin (1), Santulan (1), Tinajeros (2), at Tugatog (1).
Sa kabuuan ay nasa 20,383 ang recovered patients ng siyudad at umakyat naman sa 639 ang COVID death toll.
Isang COVID patient naman ang natodas sa Navotas at 64 ang active COVID cases hanggang 11:59 pm ng Oktubre 25 matapos na tatlo ang magpositibo sa virus at 13 naman ang gumaling.
Pumalo na sa 17,550 ang tinamaan ng COVID sa siyudad, at sa nasabing bilang ay 16,945 na ang gumaling at pumanhik sa 541 ang bilang ng mga namatay.
Wala namang naiulat na namatay dahil sa COVID-19 sa Valenzuela City nitong Oktubre 26 at 301 ang active cases matapos na magtabla sa 54 ang bilang ng mga confirmed cases at recovered.
Sumampa na sa 33,305 ang nasapul ng pandemya sa lungsod, at dito ay 34,188 na ang nagsigaling at 816 na ang namatay. Merly Iral
Malabon, Navotas tig-isang todas sa COVID
Source: Filipino Pinoys
Malabon
Navotas tig-isang todas sa COVID
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento