DILG
DILG, NCR mayors handa kahit magbaba pa ng alert level sa Nobyembre

MANILA, Philippines – Nakahanda ang Department of Interior and Local Government (DILG) at mga Metro Manila mayors kung sakaling ibaba ang alert level status ng National Capital Region (NCR) sa Alert Level 2 mula Alert Level 3 sa Nobyembre.
“Yes, handang-handa po ang DILG. Handang-handa din po ang ating mga mayors sa National Capital Region,” pahayag ni Interior Undersecretary Jonathan Malaya kasabay ng Laging Handa briefing ngayong Miyerkules, Oktubre 27.
Alam rin umano ng mga alkalde kung ano ang magiging adjustments nila sa oras na ipatupad ito kabilang na ang pagdaragdag ng kapasidad sa mga establisyimento at iba pa.
Sa ngayon, ani Malaya ay nananatili pa rin umanong maganda ang datos na natatanggap nila kaugnay ng COVID-19 sa rehiyon.
“Napakaganda naman po ng datos. We have had continuous decrease sa number of cases for the past two weeks and tuloy-tuloy naman po ang ating vaccination program,” ani Malaya.
Siniguro naman niya ang publiko na magiging matagumpay at maayos ang pagpapatupad nila ng Alert Level 2 kung sakali man na maibaba na nga ng pamahalaan ang alert level status.
“So, a combination of the ramped-up vaccination program, the decrease in cases, and the additional deployment of personnel by the Philippine National Police and the LGUs, we ensure na magiging matagumpay po ang implementasyon kung saka-sakaling bababa tayo sa Alert Level 2,” paliwanag ni Malaya.
Sa ngayon ay nananatiling nasa Alert Level 3 ang Metro Manila hanggang Oktubre 31. RNT
DILG, NCR mayors handa kahit magbaba pa ng alert level sa Nobyembre
Source: Filipino Pinoys
DILG
NCR mayors handa kahit magbaba pa ng alert level sa Nobyembre
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento