Libo-libong tagasuporta ni Isko nagsagawa ng motorcade

Manila – KASABAY sa ika-47 kaarawan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, nagsagawa ng motorcade na tinawag na “The Blue Wave Caravan” ang libu-libong taga-suporta ng Alkalde na kinabibilangan ng halos 1,000 motorcycle rider at halos 100 sasakyan ngayong umaga.

Hindi napigilan ng ulan ang mga taga-suporta ng Alkalde kung saan nagsimula silang magtipun-tipon sa Plaza Moriones sa Tondo kaninang alas-6 ng umaga. Ang mga nakilahok na mga rider ay kabilang sa iba’t-ibang organisasyon ng motorcycle rider na ang karamihan ay nakabase sa Lungsod ng Maynila.

Mula Moriones, Tondo, ang “Blue Wave” caravan ay tumuloy sa Smokey Mountain at dumaan sa Manila City Hall pagkatapos sa Quiapo Church at tumuloy sa Quezon Boulevard.

Nakatakdang dumaan ang motorcade sa Quezon Memorial Circle patungo sa Commonwealth Avenue patungong Litex Market bago pumunta sa Caloocan City bago bumalik sa Manila sa Plaza Moriones.

Ang “Blue Wave Caravan” ay naitapat sa ika-47 na kaarawan ni Mayor Isko, na ipinanganak noong Oktubre 24, 1974. Ang kanyang running mate, si Dr. Willie Ong ay may parehong petsa ng kapanganakan kung saan 58 taong gulang na ito ngayon.

Nito lamang nakaraang Biyernes ay pinangunahan ni Domagoso ang dose-dosenang mga lider at volunteers mula sa mga sectoral at volunteer groups na nangako ng kanilang suporta sa kanyang kampanya sa pagkapangulo. JAY Reyes



Libo-libong tagasuporta ni Isko nagsagawa ng motorcade
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento