Bolick target ng Japan B. League

MANILA, Philippines – Ibinulong ng insider na kinakausap umano ng isang team sa Japan B-League si Robert Bolick upang maglaro sa kanilang koponan.

Ayon sa insider, si Bolick ang sunod na target na makuha ng B-League para sa kanilang Asian import quota rule.

Idinagdag pa ng source, na isang ahente na kumakatawan sa limang teams sa B League ang nakikipag negosasyon na sa PBA players o sa kani-kanilang manager sa posibilidad na paglalaro sa Japan.

Nauna rito, nagkaka-interest umano kina Barangay Ginebra big men Christian Standahardinger at Japeth Aguilar ang mga teams sa Japan B-League.

Hindi naman nagsasalita ang opisyal ng Ginebra kaugnay sa isyu pero may nagsabi na hindi umano pinapansin ng kampo ni Aguilar ang offer ng B-League Teams.

Gaya ni Standhardinger, ang kontrata ni Bolick sa NorthPort  ay mag-eexpire na rin sa pagtatapos ng PBA season at pareho silang wala pang pinipirmahang extension kaya pwedeng-pwede na pumirma ang dalawa ng kotrata sa Japan.JC



Bolick target ng Japan B. League
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento