MANILA, Philippines – Arestado ang dalawang drug pusher sa ikinasang drug buy-bust operation ng Parañaque City police kaninang madaling araw (Oktubre 25) sa lungsod.

Sa report na isinumite ni Parañaque City police chief P/Col. Maximo Frial Sebastian kay Southern Police District (SPD) director P/Brig. Gen. Jimili Macaraeg ay nakilala ang dalawang arestadong suspects na sina Francis Ibañes, a.k.a. Gego, 51, residente ng 701 A. Bonifacio, Brgy. San Dionisio, Parañaque City at Joe Vincent Sta. Ana, 51, ng 22 R. Diaz St., Brgy. San Isidro, Parañaque City.

Base sa imbestigasyon ng Parañaque City police, matagumpay na naisagawa ang buy-bust operation dakong alas 4:30 ng madaling araw sa Barangay San Isidro, Parañaque City.

Nauna dito ay nakatanggap ng impormasyon ang Parañaque police Drug Enforcement Unit (DEU) ng impormasyon tungkol sa illegal na aktibidad ng mga suspects kung kayat agad na nagkasa ang hepe ng naturang unit na si P/Maj. Brent Ian Salazar na nagdulot ng pagkakaaresto ng mga suspects.

Nakumpiska sa posesyon ng mga suspects ang limang plastic sachets na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng tatlong gramo at nagkakahalaga ng P20,400, drug paraphernalia at ang P500 piso na ginamit bilang buy-bust money.

Ang nakumpiskang ilegal na droga ay itinernober sa SPD Crime Laboratory para sa chemical analysis.

Ang dalawang suspects ay kasalukuyang nakapiit sa Parañaque City police station custodial facility habang inihahanda ang isasampang kasong paglabag sa R.A. 9165 labana sa kanila sa Parañaque City prosecutor’s office. James I. Catapusan



2 arestado sa Paranaque drug buy bust
Source: Filipino Pinoys