Cordillera, Region 1 humirit na rin ng P3 taas-pasahe

ILOCOS REGION- Naghain ng isang petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) para mabigyan ng P3 na fare increase ang mga pampasaherong jeep sa rehiyon Cordillera at Ilocos Region.

Ang hinihinging P3 taas-pamasahe ay para sa unang apat na kilometro.

Sinabi ni Patricio Evangelista, regional president ng LTOP, humihingi sila ng P3 na fare increase dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at krudo.

Bukod dito, nahihirapan din sila sa pagpapasada dahil sa ipinatutupad na 50% seating capacity dahil sa pandemya.

Nabatid na ang kanilang petisyon ay isinumite pa nila noong Oktubre 13, 2021 sa tulong ng mga national officers ng LTOP.

Matatandaan na noong 2018 ay inaprobahan ng LTFRB ang P9 na pamasahe sa jeep sa bawat unang apat na kilometro at P1.50 naman para sa mga kasunod na kilometro.

Ang presyo noon ng langis o krudo ay P37.75 ang kada litro samantalang ngayon ay P50.90 na ang kada litro.

Umaasa ang LTOP na pakikinggan ng LTRFB ang kanilang kahilingan. Rolando S. Gamoso



Cordillera, Region 1 humirit na rin ng P3 taas-pasahe
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento