Atas ng IATF na pagsasara ng sementeryo sa Undas, tinabla ng Cebu City mayor

CEBU CITY — Hindi susundin ni Acting Mayor Michael Rama ang atas ng Inter-Agency Task Force (IATF) na isara ang mga sementeryo sa Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2.

“Hindi kami makikipag-away (sa IATF) pero mas pinli naming hindi sumunod, ayon kay Rama na pinatutungkulan ang pagsasara ng mga sementeryo sa isang press conference.

Nauna nang iniatas ni Rama ang pagbubukas ng mga sementeryo mula Oktubre 18 hanggang Nobyembre 5, per pagdating sa Nobyembre 1 at 2 ay taning mga kumpletong bakunado lang ang papayagang makapasok sa sementeryo.

Giit ni Rama wala namang masama kung aayon sa kanya ang IATF ukol sa pagbubukas ng mga sementeryo sa Undas para sa ga kumpletong bakunado.

Dagdag pa niya na ginawa ng syudad ang lahat ng mga kinakailangang preparasyon para sa All Souls’ Day at All Saints’ Day.

“I will tell them to understand and to respect what we already have planned because we planned this long ago, brainstorming it for quite a time. They should know what the word called respect is” ani Rama. RNT



Atas ng IATF na pagsasara ng sementeryo sa Undas, tinabla ng Cebu City mayor
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento