Philippines news
Suporta ng publiko sa muling pagbubukas ng ‘Dolomite beach’ ikinagulat ng DENR

MANILA, Philippines – Ikinagalak ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang ipinakitang pagtanggap ng publiko sa muling pagbubukas ng Manila Bay Dolomite Beach nang buksan ito noong Sabado, Oktubre 16 matapos ilagay ang Metro Manila sa Alert Level 3 status.
“We are overwhelmed by the outpouring of support from the public which made the reopening of the Manila Bay Dolomite Beach truly successful,” ani DENR Secretary Roy A. Cimatu.
Unang binuksan sa publiko ang dolomite beach noong Hulyo 18-21. Ang 140-meter beach area ay sumasakop sa Phase 1 ng Manila Bay Beach Nourishment Project ng DENR.
Kaugnay nito ang muling pagbubukas ng dolomite beach ay desisyon ng Manila Bay Inter-Agency Task Force na pinamumunuan ni Cimatu matapos na ibaba ang COVID-19 alert level sa Metro Manila.
Samantala, bukod sa pagtataguyod ng positive mental health, sinabi ni Cimatu na ang dolomite beach ay nakapagbibigay ng panibagong opsiyon para masilayan ang scenic Manila Bay sunset bukod sa nakasanayang tanawin sa Baywalk portion malapit sa Remedios Street sa Malate, Manila.
“We will gradually expand the area accessible to the public for viewing in the coming weeks as we progress on with the completion of the project,” sabi ni Cimatu.
Sa ginanap na soft opening ng dolomite beach noong Hulyo, 120 bisita lamang kada batch ang pinayagang makapagtagal hanggang limang minuto mula alas 9 ng umaga hanggang alas 11 ng umaga at alas 3 ng hapon hanggang alas 5 ng hapon kada araw.
Kaugnay nito sinabi ni Cimatu na ang mga bibisita ay maaaring magtagal hanggang kailan nila gusto ngunit lilimitahan lamang sa 300 katao ang papayagan mula sa mga oras ng alas 8 ng umaga hanggang alas 11 ng umaga at alas 2 ng hapon hanggang alas 6 ng gabi, araw-araw. Santi Celario
Suporta ng publiko sa muling pagbubukas ng ‘Dolomite beach’ ikinagulat ng DENR
Source: Filipino Pinoys
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
Suporta ng publiko sa muling pagbubukas ng ‘Dolomite beach’ ikinagulat ng DENR
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento