Arawang COVID cases bubulusok sa 5K sa katapusan ng Oktubre – OCTA

MANILA, Philippines – Sinabi ng OCTA Research Group, Linggo, na maaaring bumaba ang naitatalang COVID-19 cases kada araw sa 5,000 hanggang 6,000 hanggang katapusan ng Oktubre.

Sa interbyu, ibinabala naman ni OCTA fellow Guido David na ngayong linggo ay maaaring sumipa sa 10,000 ang arawang COVID-19 cases dahil na rin sa backlog mula sa mga laboratoryong hindi nakapag-ulat.

Nilinaw naman ni Guido na ito ay pansamantala lang.

“Temporary lang ‘yan, pero generally ‘yung trend natin pababa na,” pagliinaw ng eksperto.

Sa ngayon, ang reproduction number sa buong bansa ay nasa 0.64 at ang seven-day average ay 8,400.

“May mga lugar pa rin na ngayon lang nagkakaroon ng surge o pagsimula ng pagtaas ng kaso,” aniya pa.

Sa datos ng Department of Health (DOH), sinabi ni David na ang hospital utilization rate sa National Capital Region (NCR) ay bumaba na sa 47 percent, pero ang intensive care unit utilization rate ay nananatiling mataas sa 59 percent.

Ang seven-day average ng Covid-19 cases sa NCR ay 1,681, habang ang positivity rate ay 10 percent, ani David.

“This is a very good reproduction number, positivity rate has improved and considered moderate but the target is still 5 percent,” dagdag pa niya.

However, NCR’s average daily attack rate (ADAR), or the number of individuals infected per 100,000 population, is 11.87.

Sa kabilang banda, nananatiling high risk naman ang average daily attack rate (ADAR) ng NCR sa 11.87, ” but it may go down to moderate by next week,” ani David. RNT



Arawang COVID cases bubulusok sa 5K sa katapusan ng Oktubre – OCTA
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento