3K magsasaka na sapul ni ‘Maring’ naghain ng indemnity claim

CAGAYAN VALLEY-Halos umaabot na sa 3,000 magsasaka ang nakapaghain na ng kanilang Imdemnity Claims sa Phil Crop Insurance Corporation o PCIC Region 2.

Ayon kay Ginoong Louterio Sanchez Jr. Officer-in-Charge ng Marketing and Sales Division ng PCIC Region 2 na matapos ang typhoon Maring ay nakipag-ugnayan sila sa mga magsasaka at mangingisdang nagpasiguro sinalanta ang kanilang hanapbuhay.

Una ng nakipag-ugnayan din ang PCIC region 2 sa mga Municipal at City Agriculturist para lahat ng mga magsasakang nakapagpaseguro ay makapaghain ng kanilang indemnity claims sa PCIC.

Pinakamarami ang mga magsasaka sa lalawigan ng Cagayan ang naghain ng kanilang indemnity claims.

Maaring sa mga susunod na araw ay madadagdagan ang mga naghain ng kanilang indemnity claims dahil kasalukuyang naghahain pa ng claims ang mga naapektuhang magsasaka.

Maari ding makapaghain ng Indemnity Claims kapag mahigit 10% ng kanilang pananim ang nasira ng kalamidad.

Samantala, maging ang mga magsasakang sa lalawigan ng Apayao na nagpaseguro ay naghahain na rin ng kanilang indemnity claims. Rey Velasco



3K magsasaka na sapul ni ‘Maring’ naghain ng indemnity claim
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento