Senado pinagpapaliwanag ng SC sa pagkulong kay Ong

MANILA, Philippines – Hinihingan ng paliwanag ng Supreme Court (SC) ang Senado ukol sa petisyon na inihain ni Linconn Ong, ang direktor ng Pharmally Pharmaceutical Corporation, na kumukwestiyon sa pananatili niya sa gusali ng Senado sa Pasay City.

Ayon kay SC Spokesperson Brian Keith Hosaka, may 10 araw ang Senado para sumagot.

Setyembre 21 nang arestuhin si Ong sa kanyang tahanan habang dumadalo sa hearing ng Senate Blue Ribbon Committee dahil sa umano’y overpriced at maanomalyang pagbebenta ng Pharmally ng medical.supplies sa gobyerno.

Samantala, bukod sa panghihikayat sa SC na magpalabas ng status quo order, sinabi rin ni Atty. Ferdinand Topacio na dapat magpasya ang tribunal kung ang pagsasailalim kay Ong sa kustodiya ng Senado ay isang pag-aresto o pagkukulong.

“The distinction is not simply a matter of semantics. It is substantial, not conceptual, for it affects the fundamental right to be free from unwarranted governmental restraint,” nakasaad sa petisyon.

Una nang iginiit ni Topacio na hindi pormal na inimbitahan sa Senado ang kanyang kliyente at nalaman lamang pina-cite in contempt ito sa pamamagitan ng mga media report.

Inaresto si Ong makaraang hindi ito makadalo sa hearing noong August 27 at September 7.

Aniya, kahit walang subpeona, dumalo naman si Ong sa sumunod na pagdinig via videoconfecrencing noong September 10, kung saan ipinag-utos ng Senado ang pagpapaaresto dito dahil sa pag-iwas sa mga tanong.

Pinayagan ni Committee chair Senator Richard Gordon si Ong na maisalalim sa house arrest matapos sabihin ng Pharmally official na nakikipaglaban siya sa COVID-19.

Samantala, giit pa ni Topacio, ang pagkulong kay Ong ay hindi dahil sa pagtanggi nitong dumalo sa pagdinig dahil katunayan, kusa siyang lumutang.

“He was nevertheless arrested and detained, not for non-submission of documents nor refusal to be sworn or answer questions,” dagdag niya.



Senado pinagpapaliwanag ng SC sa pagkulong kay Ong
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento