Philippines news
Social media gamitin sa kabutihan sa 2022 polls – CBCP

Manila, Philippines – “Gamitin ang social media sa kabutihan ng 2022 elections.”
Manila, Philippines – Ipinaalala ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na gamitin ang internet at social media sa kabutihan ng 2022 elections.
Ayon kay Diocese of Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. – chairman ng CBCP- Episcopal Commission on Social Communications, maging ang mga Kristiyano’t Katoliko ay kinakailangan ring higit na maging maingat at matalino sa pagamit ng internet at social media lalo na ngayong panahon ng halalan.
Ibinahagi naman ni Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. sa Radio Veritas na ang social media ay isang instrumento na maaaring gamitin sa kabutihan o sa kasamaan na kahit mga mananampalataya ay hindi exempt kung hindi mag-iingat sa paggamit nito lalo na ngayong panahon ng halalan.
Paliwanag ni Bishop Maralit mahalaga rin ang fact-checking upang maiwasan na mabiktima o maging daluyan ng fake news sa iba’t ibang social media platforms.
Pagbabahagi ng Obispo, hindi dapat agad na tanggapin o ibahagi ang anumang mga impormasyon na nababasa lalo na kung hindi kilala o kaduda-duda ang pinagmumulan ng mga impormasyon.
Nagbahagi naman ng limang paraan si Bishop Maralit upang magsilbing gabay ng bawat isa sa tama at naangkop na paggamit ng internet at social media lalo na ngayong panahon ng halalan.
May ilang bagay na sana ay gawin muna bago gumamit o ipost sa social media:
-
Ang ilalagay mo ba o ipopost ay ipinagdasal mo muna?
-
Pinag-isipan mo ba muna iyan? O nadadala ka lamang ng emosyon?
-
Kung hindi iyo ang ipopost mo, Inalam mo ba muna kung Totoo ang sinasabi nito?
-
May mabuti ba talagang makukuha ang makababasa nito?
-
Sinusunod mo ba ang utos ng Panginoon- “Mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng iyong sarili?”
Giit ng obispo, mahalaga ang ganap na pagsusuri at pagninilay maging sa paggamit ng social media upang hindi ito maging daluyan ng kasinungalingan o mga maling impormasyon.
Una nang nanawagan at hinimok ng Kanyang Kabanalan Francisco ang bawat isa na gamitin sa mas makabuluyang pamamaraan ang internet at social media na dapat ituring na isang pambihirang biyaya ng Panginoon para sa pakikipagkumunikasyon.
Sa Digital 2018 report ng London, United Kingdom-based consultancy na We Are Social nangunguna ang Pilipinas sa social media usage sa buong mundo kung saan umaabot sa 9 na oras at 29 na minute kada araw ang ginugugol ng nasa 67-milyong internet users sa bansa kung saan malaking porsyento nito ay may social media account na ginagamit para magpost at magbahagi ng mga impormasyon. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)
Social media gamitin sa kabutihan sa 2022 polls – CBCP
Source: Filipino Pinoys
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
Social media gamitin sa kabutihan sa 2022 polls – CBCP
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento