KAILANGAN PA BA TALAGA ANG UP SECURITY BILL?

‘YAN ang naitanong sa akin ng mga nakausap kong mga magulang na ang mga anak ay nagsisipag-aral sa Unibersidad ng Pilipinas (UP). Dahil sa kanilang pagkakaalam mismong ang pamahalaan sa pamamagitan ng Department of National Defense (DND) ay pinawalambisa na ang dating kasunduan na gaya ng panukalang batas.

‘Bakit daw nagkukumahog ang ating mga mambabatas na buhayin ang kasunduan at sa halip ay gawing batas pa ito?’ ang kanilang pangalawang tanong sa akin.

Ang sagot ko naman ay ito – ang naghain ng panukala ay hindi naman talaga mambabatas, kundi mga kaalyado o tao mismo ng komunistang-teroristang samahan na Communist Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Ang nilalaman kasi ng dating kasunduan na “UP-DND Accord of 1989” at ang House Bill 10171 o’ UP Security Bill ay mga paikot lang ng mga komunistang-terorista sa pamahalaan. Pinagbabawalan nito ang mga kagawad ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police na basta-basta na lang papasok sa campuses ng unibersidad saanmang bahagi sa ating bansa.

Iisa ang tanging pakay, ang ‘di mapakialaman ng pamahalaan ang mga gawain ng mga komunistang-terorista, gaya ng panghihikayat sa mga estudyante nito, gamit ang kanilang ‘front organizations’ na sumanib sa kanilang samahan. Maproprotektahan din nito ang mga pinaghahanap ng batas sa pagtatago sa UP campuses.

Sa madaling sabi, tanging mga kriminal at mga komunistang-terorista lang ang makikinabang sa itinutulak na panukalang batas at hindi talaga mga estudyante ang binibigyan ng seguridad dito.

Napakasimple kung tutuusin, ngunit tila hindi naintindihan ng karamihan sa ating mga representante sa Kamara ang agaran nilang dinisisyunang panukala, dahil mayorya ang pumayag agad na maisabatas ito at dadalawa lang ang natira, ang isa ay kumontra at ang isa naman ay di naggawad ng kanyang desisyon.

Lumalabas, napaikutan din ang ating mga mambabatas ng mga komunistang-terorista na sinasabing mga representante sila ng mga taumbayan na naaapi, kababaihan at kabataan at mga manggagawa.

Sa rami ng mga deputado riyan sa Kongreso, napalusot pa ito. Iisa lang ba ang ibig sabihin nito? – Na hindi ginagampanan ng ating mga deputado ang kanilang trabaho.

Ngayon, sa kanila natin itanong, kailangan pa ba talaga ang UP Security Bill?

Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh!



KAILANGAN PA BA TALAGA ANG UP SECURITY BILL?
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento