Philippines news
Pinas nagtabi na para sa ‘booster shot’ ng health workers – Galvez

MANILA, Philippines – Tinitingnan ng National Task Force (NTF) against Covid-19 ang pagsusulong ng annual vaccination drive laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
“Tinitingnan po kasi natin ‘yung phenomenon sa ibang bansa. Every Monday, meron po tayong tinatawag nating global update from the custom consultative group at nakikita po natin na there is a need na iyong vaccination cycle is maging annual ano na po iyan–hindi po pwede na one-time big time ‘yung ating vaccination eh,” ayon kay vaccine czar, Secretary Carlito Galvez Jr., sa isang panayam matapos ang ceremonial vaccination of tourism workers sa Taytay, Rizal.
Sinabi ni Galvez na pinag-aaralan ng NTF ang “trends” sa kasalukuyang global vaccine supply.
Ipinalabas naman ng NTF ang recalibrated national vaccination program nito para sa natitirang buwan ng 2021 at sa susunod na taon kung saan kabilang na rito ang paglikha ng vaccine security roadmap sa gitna ng presensiya ng COVID-19 variants at reformulated booster shots.
“Considering na more or less 30 percent pa lang tayo, hindi pa namin masyado pinag-uusapan ang booster, but in our planning, kasama ‘yan sa six to eight-month vaccination cycle,” ani Galvez.
Ani Galvez, nagtabi na ang pamahalaan ng vaccine doses para sa mga healthcare workers.
Handa na aniya ang mga ito sa oras na aprubahan ng World Health Organization (WHO) at Department of Health (DOH) ang probisyon ng booster shots para sa mga healthcare workers.
Ang mga healthcare workers aniya na ito na naunang nakatanggap ng vaccine doses noong Marso ay maaaring una ring makatanggap ng booster shots kung hindi aniya sa Nobyembre ay maaaring sa buwan ng Pebrero ng susunod na taon.
Tinukoy ang vaccination program sa ibang bansa, snabi ni Galvez na may pangangailangan na kagyat na itulak ang pagbibigay ng booster shots sa bansa.
“We see that, by programming, by first quarter [of 2022] we can start the third dosing of our healthcare workers,” aniya pa rin.
“The administration of booster shots is still subject to the approval of the DOH,” dagdag na pahayag nito.
Mula sa orihinal na 70% target, puntirya ng pamahalaan na makumpleto ang pagbabakuna sa 80% ng 110 milyong populasyon ng bansa.
Sa ngayon, ang Pilipinas ay nakapagturok na ng 47,778,751 doses ng Covid-19 vaccine, na may 22,402,105 Filipino ang fully vaccinated habang 25,376,646 naman ang naghihintay ng kanilang second dose. Kris Jose
Pinas nagtabi na para sa ‘booster shot’ ng health workers – Galvez
Source: Filipino Pinoys
Philippines news
Pinas nagtabi na para sa ‘booster shot’ ng health workers – Galvez
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento