2021, 2022 PH growth forecast tinapyasan ng AMRO

MANILA, Philippines – Binabaan ng ASEAN + 3 Macroeconomic Research Office (AMRO) ang growth forecast nito sa Pilipinas para sa 2021 at 2022 dahil sa patuloy na pananalasa ng Delta variant ng COVID-19.

Mula sa 6.9 percent sa 2021 at 7.8 percent sa 2022, ibinaba ng AMRO ang paglago ng ekonimiya ng bansa sa 4.3 percent ngayong taon at 6.7 percent sa susunod na taon.

Ikinonsidera ang panibagong pagtataya sa pananalasa ng Delta variant, kabilang na rin ang progreso ng pagbabakuna sa bansa at pagpataw ng mga quarantine restrictions.

“Because of the recent wave of infections we had to shave down our forecast for the Philippines,” ani Hoe Ee Khor, chief economist sa AMRO.

Sa kabilang banda, positibo naman si Khor na agad na makababangona ang ekonomiya ng bansa balik sa lebel bago ang pandemya sa mga unang yugto ng 2022 kapag naabot ang 80 porsyentong populasyon ng bans ana bakunado.

“That is very important because the Philippines is very much a service-oriented economy. That is the reason why it has been hit harder than other economies in the region.” RNT



2021, 2022 PH growth forecast tinapyasan ng AMRO
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento