Paras kumamada ng 25-points sa pro-debut sa Japan

MANILA, Philipines — Kinapos ang 25-point na ikinamada ni Kobe Paras para sa Niigata Albirex BB matapos itong matalo kontra sa Kyoto Hannaryz, 85-81, sa larong ginanap sa City Hall Plaza Ao-re Nagaoka.

Maganda ang professional debut ni Paras kung saan idinagdag nito sa kanyang 25 points ang four assists at two steals sa naging pagkatalo.

Lamang ang Niigata ng nine-point sa half, 50-41, kung saan mainit ang simula ni Paras pero agad din itong hinabol ng Kyoto sa 3rd period.

Sa pagpasok sa final quarter, lamang na ang Albirex ng isang puntos, 67-66.

Sa fourth, nalagay sa bench si Paras sa simula ng laban at dito na nanalasa ang Kyoto at lumamang pa ng walo, 76-68, habang may natitira pang 7:39 sa laro.

Sinubok pa ng Niigata na maitabla ang laban matapos ang steal ni Paras habang may natitira pang 15 seconds at humahabol ang team ng tatlong puntos, 81-84.

Pero sumablay ang three points shot ni Yuto Nohmi kaya nabalik ang bola sa Kyoto.

Naipasok ni Justin Harper ang isang free para sa Kyoto para sa final score na 85-81.

Naglalarong back-up ni Paras ang kapwa niya import na si Rosco Allen na nagtapos na may double-double na 19 points at 15 rebounds.

Nanguna para sa Hannaryz si David Simon na may game-high 28 markers.

Muling maghaharap ngayon Linggo ang Niigata at Kyoto.Rico Navarro



Paras kumamada ng 25-points sa pro-debut sa Japan
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento