Mga trak bawal na dumaan sa Nagtahan Flyover sa Maynila
Mga trak bawal na dumaan sa Nagtahan Flyover sa Maynila

Manila, Philippines – NAGLABAS ng abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi na maaaring dumaan ang mga trak sa Nagtahan Flyover sa lungsod ng Maynila simula ngayong araw (Oktubre 1) dahil isasailalim ito sa rehabilitasyon at pagsasa-ayos matapos makitaan ng mga bitak at iba pang depekto ang nasabing tulay.
Tanging ang mga itinuturing na “light vehicles” lamang ang makakadaan sa nasabing tulay kung saan iisang linya lamang ang kanilang magagamit gayundin sa Nagtahan Service Road.
Pinayuhan naman ang mga sasakyang magmumula sa norte na dumaan sa Osmeña Highway, pakanan sa Quirino Avenue, pakaliwa sa Quirino Ave. Ext., kaliwa sa U.N Ave., pakanan sa Romualdez St., kaliwa sa Ayala Blvd, at Roxas Blvd. hanggang sa patutunguhan.
Samantala, ang mga sasakyang pupunta sa Timog ay maaaring dumaan sa A. Bonifacio Ave., pakanan sa C3, R-10, patungo sa kanilang pupuntahan.
“Rehabilitation of the bridge will address the big cracks at its abutment wall and railing, loose steel enclosure of retrofitting on its piers, and rusting steel enclosure of retrofitting at several piers,” saad ng MMDA.
Nabatid sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na ang gagawing rehabilitasyon ay upang maiwasan ang aksidente sa mga motorista at iba pang mga gumagamit ng kalsada. Mula noong nakaraang taon, ipinagbabawal na ang mga trak na dumaan sa lugar.
Ang pag-aayos ay inaasahang magtatapos sa Abril 2022. JAY Reyes
Mga trak bawal na dumaan sa Nagtahan Flyover sa Maynila
Source: Filipino Pinoys
Mga trak bawal na dumaan sa Nagtahan Flyover sa Maynila
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento