Ilan pang kongresista naghain na ng COC
Ilan pang kongresista naghain na ng COC

Manila, Philippines – Patuloy ang paghahain ng certificate of candidacy ng mga kongresista para sa bagong posisyon na kanilang tatakbuhan.
Si Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon ay naghain ng COC ngayong araw para tumakbo bilang alkalde ng Muntinlupa City.
Matapos ang kaniyang pagmumuni-muni ay pormal na inihayag ni Taguig Rep. at dating House Speaker Alan Peter Cayetano na hindi siya tatakbo bilang pangulo ng bansa.
Aniya, hindi niya gugustuhing mahati pa ang bansa lalo ngayong higit na pagkakaisa ang kailangan at sa halip ay inihayag niyang nais niyang makalikha ng isang five-year economic recovery plan na maaaring gamitin ng mga tatakbo sa mas mataas na posisyon.
Nais din niyang ipagpatuloy ang pagsusulong sa 10K Ayuda Bill at umisip ng mga bagong ideya para labanan ang pandemya.
“I really feel na kung ako’y tatakbong Pangulo mas makakadivide ito kaysa sa makakabring together,” dagdag ni Cayetano.
Kasabay halos nitong naghain ng COC ang Kabayan Partylist Second nominee na si Dr. Jonathan David “Jondi” Flavier na anak ni dating Health Secretary at Senador Juan Flavier. Nananatili namang first nominee ng partido si Congressman Ron Salo.
Si Antique Rep. Loren Legarda ay maaga ring nagtung sa Commission on Election upang maghain ng kaniyang COC na muling tumakbo sa pagka-senador.
Nauna rito ay naghain na rin ng kaniyang COC si BUHAY Partylisgt Rep. Lito Atienza na tatakbong running mate ni Senador Manny Pacquiao na tatakbong presidente ng bansa.
Naghain na rin ng COC si Albay Rep. Joey Salceda upang muling kinatawan ng kaniyang distrito sa Malaking Kapulungan ng Kongreso kung saan sinabi niya sa mga ka-distrito na.
Dinagsa naman ng artista ang Lakas-CMD nang manumpa bilang mga bagong miembro sina dating NBA player Avin Patrimonio, ang aktres na sina Alma Moreno at Arci Munoz gayundin ang comendian na si Teri Onor.
Mismong si House Majority Leader Martin Romualdez, Lakas-CMD President ang nagpasumpa sa nabanggit na mga kandidato sa tanggapan nito sa Batasan Complex.
Sina Patrimonio ay tatakbong Mayor ng Cainta, Rizal samantalang si Munoz ay tatakbong konsehal ng parehong lugar, si Moreno ay tatakbo ring konsehal sa Paranaque City samantalang si Onor ay tatakbong Vice Mayor ng Abucay, Bataan. (Meliza Maluntag)
Ilan pang kongresista naghain na ng COC
Source: Filipino Pinoys
Ilan pang kongresista naghain na ng COC
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento