COFFEE BEAN SKIN MABISA KONTRA OBESITY AT IBA PA

MATAGAL nang nabasag ng mga bagong siyentipikong pag-aaral ang mga haka-haka at maling akala ukol sa pag-inom ng kape. Kaya naman, mas dumarami ang mga taong umiinom ngayon ng kape, dito nga sa Pilipinas, walo sa bawat sampung Pilipino ay umiinom ng kape.

 

Pero maliban pala sa mismong giniling na kape, ang tinatawag na coffee bean skin ay napag-alaman na maaaring maging panlaban sa obesity-related inflammation at insulin-resistance.

 

Ito ang naging resulta ng pag-aaral ng mga siyentipiko ng College of Agricultural, Consumer and Environmental Sciences ng University of Illinois sa Amerika at nailathala sa journal na Food and Chemical Toxicology.

 

Ayon sa pag-aaral dahil sa taglay na phenolic compounds katulad ng gallic acid at protocatechuic acid ng mga coffee bean skin, nagagawa nitong maharang ang pagkakaroon ng oxidative stress ng immune response cells at fat cells na nagreresulta naman sa pagtaba, habang pinapaganda din ang glucose absorption at insulin sensitivity.

 

Ang resulta ng pag-aaral sa mga coffee bean skin ay isang ‘breakthrough’ sa bioactive compounds na pwedeng gamitin sa mga diet and supplements na pang-iwas sa pagtaba at kaugnay na karamdaman, at malaking tulong din sa kalikasan dahil may paggagamitan na ang itinatapon lamang na mga coffee bean skin.

 

-ooO00-

Kahapon ay October 7, 2021, ang inyong Agarang Serbisyo Lady ay nakikiisa sa pagdiriwang ng “Linggo ng Nakatatandang Pilipino” na ngayon ay siyang huling araw alinsunod sa Presidential Proclamation No. 470 sa temang “Mahalaga sina Lolo at Lola Ngayong Pandemya” sa pangunguna ng National Commissions of Senior Citizens at DSWD o Department of Social Welfare and Development.

 

Isa sa mga reyalidad ng COVID-19 global pandemic ay ang pagiging vulnerable ng mga nakatatanda. Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nakalalabas ng kanilang mga tahanan ang mga may edad na 65 years old pataas.

 

Sa datus ay mayroong 9.43 million na mga senior citizen sa bansa. Bagamat marami pa ang hindi nayayakap ang kanilang mga Lolo at Lola at nakapagmamano, magtiyaga at magtiis na lang muna tayo sa virtual na pagpapakita ng ating pagmamahal sa kanila. Ika nga, lilipas din ang kadilimang ating pinagdaraanan.

 



COFFEE BEAN SKIN MABISA KONTRA OBESITY AT IBA PA
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento