Isko tumangging ‘secret candidate’ ni Digong
Isko tumangging ‘secret candidate’ ni Digong

Manila, Philippines – Itinanggi ni Aksyon Demokratiko standard bearer atManila Mayor Isko Moreno Domagoso ang ulat na ‘secret candidate’ umano siya ng administrasyong Duterte.
“That’s fake news,” saad ni Domagoso kung saan kumakalat na ipinadala ni Sen. Christopher “Bong” Go ang kanyang chief of staff Gelo Villar upang tulungan siya sa presidential bid.
“Kala ko ba bawal ang drugs? Ano kaya tinira ‘non?”
Itinanggi naman ni Go ang naturang report.
“Obviously fake news. Sayang oras kung patulan pa lahat ng fake news,” saad ng senador sa ABS-CBN.
“Bakit namin sasayangin ang oras namin sa pulitika ng ibang kampo?”
“Tulad naman ng sabi ko noon, hindi ko iiwan si Pangulong Duterte hanggang sa aking huling hininga. Kung saan siya, doon ako.”
Maaalalang kasama ni Isko si Ong sa pagtakbo sa pagka-bise. RNT/FGDC
Isko tumangging ‘secret candidate’ ni Digong
Source: Filipino Pinoys
Isko tumangging ‘secret candidate’ ni Digong
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento