Molnupiravir vs COVID magagamit na sa Pinas – FDA
Molnupiravir vs COVID magagamit na sa Pinas – FDA

MANILA, Philippines – Papayagan nang magamit ang gamot na molnupiravir laban sa COVID-19 sa Pilipinas.
Ito ay sa ilalim pa lang naman ng Compassionate Special Permit (CSP ayon sa Food and Drug Administration (FDA).
Sinabi ni FDA ) Director General Eric Domingo na tanging apat na ospital pa lang naman sa bansa ang nabibigyan ng CPS sa paggamit ng anti-viral drug laban sa COVID-19.
“At iyong nakita nila sa interim analysis nila is that it can prevent possibly 50 percent of people going into severe covid and dying from covid. So, maganda,” ani Domingo.
Ang Molnupiravir ay gawa ng Merck & Co. kung saan epektibo umano ito sa lahat ng uri ng variant ng COVID.
Hindi pa naman nagsusumite ang pharmaceutical company ng emergency use authorization (EUA) sa bansa.
“Pero kahit wala pa iyon, as an investigational drug, ito ay maaari na pong i-apply ng CSP dito sa atin sa Pilipinas,” paglilinaw naman ni Domingo.
“So, kailangang i-complete po iyong clinical trial para in the end, makakuha po sila ng full registration or certificate of product registration, at maaari na po siyang i-market sa mga botika at saka sa mga retail outlet,” giit pa ng FDA chief. RNT
Molnupiravir vs COVID magagamit na sa Pinas – FDA
Source: Filipino Pinoys
Molnupiravir vs COVID magagamit na sa Pinas – FDA
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento