Kelot kinatay ng mga kabaro sa construction site

MANILA, Philippines – Patay ang isang construction worker matapos na magkaroon ng mainitang pagtatalo habang nag-iinuman at paagtulungan na saksakin, gilitan sa leeg at pagtatagain ng mga kabaro nito kagabi (October 6) sa lungsod ng Quezon.
Kinilala ang biktima na si Lester Ayala Tibar, 35 anyos, may asawa, residente ng Bagong Silang Caloocan City,
Sugatan din ang mga suspek na sina Jonard Ibanez, 23, binata, construction worker ng Cupang, Antipolo City, at Melfred Otilla, 32, binata, construction worker, stay-in sa construction site, at residente ng Guinobatan Albay. Sila ay kapwa ginagamot ngayon sa Quirino Memorial Medical Center.
Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang 9:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa construction site ng Living Springs Condo sa No. 10, 21st Ave., Brgy., Tagumpay, sa lungsod.
Batay sa imbestigasyon, matapos ang trabaho ay nagkayaan na mag-inuman ang biktima at ang mga suspek kasama ang testigong si Giovanni Arnejo sa construction site.
Nang magkalasingan ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sina Otilla at Tibar hanggang sa sakasakin ng biktima ng knife-wielding ang suspek na gumanti rin ng pananaksak gamit ang cockfighting gaff o Tari.
Tinangka namang umawat ni Ibanez pero sinaksak din siya ni Tibar at pagkatapos ay tumakbo palabas ng construction site subalit hinabol ito ng sugatang mga suspek.
Nakita sa CCTV footage ng Barangay Tagumpay, nang makorner ang biktima ng mga suspek sa 21st Avenue, Barangay Tagumpay, sa harapan ng Orabella Condominium Site, ay pinagtulungan gilitan at pagtatagain si Tibar hanggang sa mamatay.
Matapos ay bumalik sa construction site ang mga suspek na kapwa sugatan kaya dinala sila ng mga tanod na sina Rodolfo Muñez at Michael Padua sa nasabing ospital. Jan Sinocruz
Kelot kinatay ng mga kabaro sa construction site
Source: Filipino Pinoys
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento