ipabubusisi ni Eleazar
Transaksyon ng iligal na droga sa Cebu Jail, ipabubusisi ni Eleazar

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Guillermo Lorenzo Eleazar ang pagsisiyasat sa transaksyon ng illegal na droga sa mga inmates sa Cebu jail.
Ang kautusan na ito ni Eleazar ay bunsod na rin sa naging pag-amin ng dalawang naarestong drug suspek sa Cebu na sila ay may katransaksyon na mga billango para maipasok ang illegal na droga.
“Ang pagkakasangkot ng mga nakakulong na drug traffickers sa transaksyon ng iligal na droga ay nagpapatunay lamang kung gaano kalalim ang operasyon ng sindikato ng droga sa ating bansa,” saad pa ni Chief PNP.
Agad naman na inatasan ni Eleazar ang Regional Director ng PRO7 na magsagawa.ng imbestigasyon para matukoy kung sino-sino ang mga kasabwat nang nadakip na mga suspek upang mahinto ang operasyon ng sindikato sa loob ng bilangguan.
Kinilala ng mga awtoridad ang dalawang naaresto sa magkahiwalay na buy-bust operations noong Lunes, Setyembre 20 na sina Benjie Lupian,42 at Bryan Osabel, 35.
Ayon sa mga pulis, naaresto si Lupian sa Barangay Duljio Fatiba matapos masabat sa kaniya ang may 1,040 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P7 milyon habang naaresto naman si Osabel matapos masabat sa aniya ang may 501 gramo ng iligal na droga na nagkakahalaga ng P3 milyon.
Inamin ng dalawang naaresto na nakikipag-transaksyon sila sa mga bilanggo ng Cebu City Jail.
Ayon kay PGen Eleazar, hindi ito ang unang pagkakataon na may naarestong drug suspek na nakikipagtransaksyon sa mga nakabilanggo.
Inihalimbawa nito ang mga convicted drug traffickers sa New Bilibid Prisions na kanilang nabistong nagpapatakbo pa rin ng kalakalan ng iligal na droga noong siya pa ang Regional Director ng National Capital Region Police Office.
Sa pakikipag-ugnayan sa Bureau of Corrections sa pamnumuno ni Director General Gerald Bantag at iba pang law enforcement agencies kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency, Joint Task Force NCR ng Militar at ang National Bureau of Investigation, ganap na napilayan ang operasyon ng mga sindikato ng iligal na droga sa loob ng NBP.
Matatandaan na naglagay ang apat na law enforcement agencies ng isang intelligence sattelite office sa NBP para pigilan ang mga bilanggo na makagamit ng komunikasyon.
“The government is not helpless in this modus as proven when we were able to dismantle the communication network of convicted drug traffickers at the New Bilibid Prisons through a strong coordination among the PNP Bucor, PDEA and NBI when I was still the RD, NCRPO,” pahayag pa ni Eleazar
Dahil dito, iniutos ni Eleazar sa lahat ng PNP commanders na palakasin pa nila ang koordinasyon sa BJMP para mapigilan ang mga ganitong gawain at masawata amg mga inmates na nakakagawa pang makapagbenta ng illegal drugs kahit na sila ay nakakakulong.
“Ang paulit-ulit na pangyayaring ito ay nagdudulot lamang ng pagdududa ng sabwatan sa modus na ito so I expect all our commanders to do something about this in the soonest possible time in order to do away with these doubts and speculations,” dagdag pa ng Chief PNP. Jan Sinocruz
Transaksyon ng iligal na droga sa Cebu Jail, ipabubusisi ni Eleazar
Source: Filipino Pinoys
ipabubusisi ni Eleazar
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
Transaksyon ng iligal na droga sa Cebu Jail
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento