Mayor Isko iiwan ang pwesto kay VM Honey Lacuna
Mayor Isko iiwan ang pwesto kay VM Honey Lacuna

Manila, Philippines – IPAGKAKATIWALA ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso kay Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang pagiging punong ehekutibo sa lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila.
Ito ang pahayag ni Domagoso kasabay ng isinagawa nitong proklamasyon ngayong araw sa kanyang kandidatura sa pagka-Pangulo ng bansa kasama ang kanyang vice presidential candidate na si Dr. Willie Ong sa darating na 2022 national election.
Ayon kay Yorme Isko, kumpiyansa siya na kayang ipagpatuloy ni Vice Mayor Lacuna ang kanyang mga nagawa partikular na ang mabilis na pagtugon sa panahon ng pandemya dulot ng COVID-19.
Aniya, malaki ang naging ambag ni Lacuna, partikular na sa isyu ng pangkalusugan, kung saan mabilis ang responde ng pamahalaang lungsod tulad ng pagbili ng mga kailangang gamot na Remdesivir at Tocilizumab, malawakang pagbabakuna, pagbili ng mga kinakailangang makina, pagpapatayo ng mga pasilidad at ospital.
Giit ni Domagoso, naging pamantayan nito si Vice Mayor Lacuna kung bakit pinili nitong maging running mate si Dr. Willie Ong lalo na ngayong nahaharap sa krisis ang buong bansa bunsod ng pandemya.
Kasabay ng pag-anunsyo ng magiging kapalit ni Domagoso bilang alkalde sa Maynila, hindi naman pinangalanan kung sino ang magiging ka-tandem ni Lacuna bilang Vice Mayor nito. Sa kabila ng pahayag ay matunog naman ang pangalan ni Manila 3rd District Congressman Yul Servo na tatakbong bise alkalde ng lungsod.
Samantala, matatandaan naman na si Manila 1st District Congressman Manny Lopez naman na nagmula sa partidong PDP Laban ng administrasyon ang isa sa makakaharap ni Lacuna sa pagka-Alkalde ng lungsod. JAY Reyes
Mayor Isko iiwan ang pwesto kay VM Honey Lacuna
Source: Filipino Pinoys
Mayor Isko iiwan ang pwesto kay VM Honey Lacuna
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento