‘wag patulan – POEA
Trabahong alok sa mga dating apps, ‘wag patulan – POEA

MANILA, Philippines – Pinayuhan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang publiko na huwag basta-basta kakagat sa mga trabahong inaalok ng mga nakikilala sa dating sites.
Ito ang sinabi ni POEA Administrator Bernardo Olalia kung saan marami umanong mga overseas Filipino worker (OFW) ang nabibiktima ng scam.
Kayo po ay maging mapanuri kung kayo ay OFW, lalong-lalo na iyong mga partner ninyo diyan sa dating application na iyon ay nago-offer ng employment opportunities,” babala ni Olalia.
“Huwag po kayong papatol at sigurado po kayo magiging biktima na ng online scam using this dating application,” dagdag pa niya.
Para sa mga naghahanap ng trabaho, ani Olalia ay mas mainam na maghanap ng trabaho sa lehitimong website na pag-aari ng POEA. RNT
Trabahong alok sa mga dating apps, ‘wag patulan – POEA
Source: Filipino Pinoys
‘wag patulan – POEA
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
Trabahong alok sa mga dating apps
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento