Alert Level 3 sa NCR nagbabadya; “Better Christmas” asahan – Roque

MANILA, Philippines – Naniniwala si Presidential Spokesperson Harry Roque na makakamit ang “better Christmas” ngayong 2021 kapag mas maraming tao na ang nabakunahan laban sa COVID-19.

Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay bilang pagmamarka ngayong araw ng isang linggong pilot implementation ng bagong Alert Levels System para sa COVID-19 (coronavirus) Response sa Metro Manila.

Dagdag naman ni Roque na hindi imposible na ibaba ang National Capital Region (NCR) sa Alert Level 3 mula sa Alert Level 4.

Iyon ng lamang aniiya ay depende pa rin ito sa magiging desisyon ng Department of Health (DOH).

“‘Yang paglalagay ng alert level, ‘yan po ay nakasalalay na ngayon sa DOH at ‘yan po naman ay gagawin in consultation with the local government units,” ayon kay Sec. Roque.

“Ako naman po ay umaasa na as we hit 70 percent and soon 80 percent, ‘yan naman po talaga ang target population protection natin, eh baka naman makabalik tayo nang kaunti sa mga buhay,” dagdag na pahayag nito sabay sabing “Sa tingin ko po, mas magiging maligaya ang ating Pasko ngayong 80 percent na halos ang bakunado sa Metro Manila.”

“As of September 22,” may kabuuang 6,760,863 indibiduwal sa NCR ang fully vaccinated laban sa COVID-19. Ito ay 69.16 porsiyento ng kanilang target coverage

Sa kabilag dako, may 19,376,832 katao naman sa buong bansa ang fully vaccinated.

Samantala, pinaalalahanan ni Sec. Roque ang publiko na huwag makampante dahil nasa tabi lamang ang banta ng virus.

“Dapat po talaga pursigido pa rin ang ating mga proteksyon laban sa COVID-19 kasi alam din natin na meron ding breakthrough infections” aniya pa rin.

Masyado pa aniyang maaga para magdesisyon kung ang bagong Alert Levels System ay ipatutupad sa sa mg lugar na nasa labas ng Kalakhang Maynila.

“Premature pa po kasi kakatapos pa lang ng unang linggo,” ayon kay Sec. Roque.

“Hayaan muna natin matapos ang ikalawang linggo at tignan natin ang magiging datos. Ganoon po ang proseso ng evaluation, dapat data-based,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose



Alert Level 3 sa NCR nagbabadya; “Better Christmas” asahan – Roque
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento