Drug case vs. Ongpin tatalupan ng DOJ prosecutors

Manila, Philippines – Tatalupan ng Office of the Secretary of Justice Prosecution Staff (OSJPS) ang kasong iligal na droga na isinampa laban kay Julian Roberto S. Ongpin.

Si Ongpin ay person of  interest din sa pagkamatay ng artist na si Breana “Bree” Jonson sa La Union.

Ang paglipat ng imbestigasyon mula sa Office of the Provincial Prosecutor (OPP) ng La Union sa OSJPS ay base sa Department Order No. 229 na may date na Sept. 24, 2021 at inisyu ni Justice Secretary Menardo I. Guevarra.

Samantala, base sa preliminary investigation na isinagawa ng mga pulis, kasama ni Ongpin si Jonson sa isang hostel sa San Juan.

Dito rin natagpuan si Jonson na walang malay at dead on arrival sa ospital.

Si Ongpin at Jonson ay kapwa nagpositibo sa droga gayundin ay narekober ang 12.6 gramo ng cocaine sa kanilang kama. RNT/FGDC



Drug case vs. Ongpin tatalupan ng DOJ prosecutors
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento