Claudine kailangang patunayan na taga-Olongapo!
Sa pagpasok sa pulitika, Claudine kailangang patunayan na taga-Olongapo!

MANILA, Philippines – Mismong ang manager na si Arnold Vegafria ang nagbalitang tatakbo siyang mayor sa Olongapo City, Zambales.
At isa sa mga Konsehal sa partido niyang may slogan na Bangon Olongapo 2022 ay si Claudine Barretto.
Kay Arnold na rin nanggaling na hindi dapat kuwestyunin si Claudine kung bakit gusto nitong tumakbo sa nasabing puwesto roon.
Ang lolo daw kasi ng aktres ay dating nanilbihang Gobernador. Ang ama naman nitong si Miguel ay dating administrator ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).
For her part, sinabi ni Claudine na 16 taon na siyang naninirahan sa Olongapo.
Gayunpaman, maraming netizens ang hindi kumbinsido.
Ito ang pinaksa ng Showbiz Update ni Ogie Diaz kasama ang ka-tandem na si Mama Loi.
Natuklasan umano na nito lang September 24 nag-file ng voter’s registration si Claudine.
Bukod dito, ang address sa TIN (tax identification number) ID ng aktres ay inisyu noong November 2009 ay sa Loyola Grand Villas sa Quezon City.
Puwera pa raw dito ang ilang events na pino-post ni Claudine sa kanyang tirahan sa La Vista, sa QC pa rin.
Ang concern ng mga online show hosts ay tiyak na gagamitin ng mga kalaban ni Claudine ang issue on residency.
Anila, kailangan daw patunayan ng aktres na talagang taga-Olongapo siya. Ronnie Carrasco III
Sa pagpasok sa pulitika, Claudine kailangang patunayan na taga-Olongapo!
Source: Filipino Pinoys
Claudine kailangang patunayan na taga-Olongapo!
Philippines news
Pinoy Trending
politics
Sa pagpasok sa pulitika
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento