5 probinsya sa Luzon ‘major concern’ sa COVID-19
5 probinsya sa Luzon ‘major concern’ sa COVID-19

Manila, Philippines – Iginiit ng research group OCTA na ang mga probinsya ng Isabela, Cagayan, Benguet, Laguna, at Bataan ay “provinces of major concern” dahil sa “critical” levels ng coronavirus disease (COVID-19) incidence rate, ICU utilization, at positivity rate.
Sa pagtutok ng OCTA mula Setyembre 15 hanggang 21, Isabela ang may pinakamataas na COVID-19 one-week growth rate na may 158 percent.
Habang naitala naman ng Benguet ang pinakamataas na average daily attack rate (ADAR) o incidence rate per day na 53 kaso sa bawat 100,000 population.
Sumunod dito ang Cagayan na may ADAR na 37.79; 36.43 sa Isabela; 30.25 sa Bataan; at 25.69 sa Laguna.
Habang kritikal din ang ICU beds ng COVID-19 case kung saan 94 percent sa Isabela; 87 percent sa Cagayan; 90 percent sa Benguet; 87 percent sa Laguna; at 92 percent sa Bataan. RNT/FGDC
5 probinsya sa Luzon ‘major concern’ sa COVID-19
Source: Filipino Pinoys
5 probinsya sa Luzon ‘major concern’ sa COVID-19
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento