MARAMI ANG NAGHIHINTAY SA DESISYON NI MAYOR SARA

HINDI maikakailang talagang marami ang naghihintay sa magiging desisyon ni Mayor Sara Duterte kung tutuloy ba ito o hindi sa pagtakbo sa pagkapangulo sa 2022.

Kasama na riyan ang mga tagasuporta ng alkalde na simula pa lang ay tunay na hinikayat na itong tumakbo sa pinakamataas na pwesto sa pamahalaan – – bagay na tila inaayunan ng resulta ng mga isinasagawang survey kung saan nangunguna ito sa pulso ng publiko base sa listahan ng mga posibleng kakandidato.

Syempre, kabilang rin sa mga naghihintay ng desisyon ni Mayor Sara ay ang mga makakatunggali rin nito na nakikiramdam lamang sa kung anong istratehiya ang kanilang gagawin depende sa pagtakbo o hindi ng alkalde.

Sa takbo ng mga kaganapan ngayon na walang siguradong kandidato ang oposisyon na may malakas na hatak sa publiko, hindi malayong si Mayor Sara ang maluklok sa pwesto sakaling piliin nitong tumakbo.

Bagama’t sinasabing may ilang pagkakaiba sa management style si Pangulong Rodrigo Duterte at Mayor Sara, sigurado namang ipagpapatuloy ng alkalde ang magagandang programa at proyektong pinasimulan ng kanyang ama.

Sa dami ng nagawang magagandang reporma ni Pangulong Duterte, pinakamainam pa rin na masiguradong maipagpapatuloy ito ng susunod na administrasyon para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino.

Sama-sama nating tutukan ang mga susunod na kabanata sa takbo ng pulitika sa bansa lalo’t papalapit na ang national election.

Dito inaasahang malaking game changer ang desisyon ni Mayor Sara na nagsisilbi ring banta sa makakalaban nito kaya asahan na nating maglalabasan ang iba’t ibang klaseng paninira sa oras na tumakbo ang alkalde sa pagkapangulo



MARAMI ANG NAGHIHINTAY SA DESISYON NI MAYOR SARA
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento