Philippines news
Roque sa terror threat: Pinas naka-heightened alert’ mula pa noong Marawi siege

MANILA, Philippines – Nananatiling nasa “heightened alert” at mas mahigpit na seguridad ang Pilipinas upang pigilan ang lawless violence at rebellion sa bansa.
Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay matapos na magbabala ang Japan Foreign Ministry sa kanilang mga mamamayan sa posibleng pag-atake ng terorista sa ilang Southeast Asian countries kabilang na ang Pilipinas.
Sinabi ni Sec. Roque na pinaigting na ng Pilipinas ang security measures simula nang magsagupaan ang terrorist Maute Group at government troops sa Marawi City, Lanao del Sur na nangyari sa 2017.
“Talaga naman pong tayo po ay nasa heightened alert matapos po yung nangyari sa Marawi. At nagpapasalamat po tayo sa impormasyon pero lalo lang po natin pinaiigting ang ating kahandaan para po harapin ang posibleng terroristic attack muli ,” anito.
Tiniyak nito na masusing naka-monitor ang law enforcement authorities at pinahigpit na ang seguridad.
“Nakahanda naman po ang ating kapulisan at ang ating hukbong sandatahan at hinihingi din natin ang kooperasyon ng ating mamamayan. Ireport niyo po sa kapulisan kung mayroon kayong mga kaduda-dudang mga personalidad o di naman kaya mga kaduda-dudang mga bagay-bagay lalo sa sa mga pampublikong lugar,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque
Sa kabilang dako, sinabi naman ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Eleazar na walang report ang PNP ukol sa terror threats sa bansa na may kaugnayan sa naging babala ng Japan.
“Sa aming hanay, wala po kaming nari-receive na ganung threat. But just the same, hindi po namin pinagsa walang bahala yang impormasyon na ‘yan at patuloy ang ating monitoring na ginagawa ,” ayon kay Eleazer.
Tiniyak nito na patuloy na tinitiyak ng PNP ang pagmo-monitor at pagbibigay seguridad, bahagi ng pagpapatupad sa minimum public health standards sa gitna ng banta ng Covid-19 pandemic.
“In the implementation or enforcement of these IATF health protocols, yung visibility patrol natin ngayon, ‘yun na rin ang ating crime prevention effort. Ngayon nakarating sa’tin kaalaman yang impormasyon na ‘yan, even though hindi natin sinasabi na totoo o hindi, pero parte naman ng trabaho natin na panatilihing magbantay ,” aniya pa rin.
Sinabi naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang kasalukuyang threat level sa bansa ay “moderate.”
“As of now, we have not received any report. We constantly validate all reports on security matters and it is a continuous process. As per last review, our threat level is moderate,” aon kay AFP spokesperson, Col. Ramon Zagala sa isang kalatas.
Kinumpirma ng Japanese Embassy sa Maynila na nakatanggap ang Japanese government ng impormasyon tungkol sa posibleng terrorist attacks sa Pilipinas , Indonesia, Singapore, Malaysia, Thailand, at Myanmar.
Sinabi ng ministry na nakakalap sila ng impormasyon na “there are increased risks such as suicide bombings”, subalit hindi nama nakapagbigay kung saan nanggaling ang nasabing impormasyon. Kris Jose
Roque sa terror threat: Pinas naka-heightened alert’ mula pa noong Marawi siege
Source: Filipino Pinoys
Philippines news
Pinoy Trending
politics
Roque sa terror threat: Pinas naka-heightened alert’ mula pa noong Marawi siege
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento