3K ‘di bakunadong health worker sa France
3K ‘di bakunadong health worker sa France, suspindido sa trabaho

FRANCE – Sinuspinde ng pamahalaang France mula sa trabaho ang libo-libong healthcare worker, kabilang na ang mga doktor at nars, na hindi pa nagpapabakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay French Health Minister Olivier Véran, umabot na sa 3,000 HCWs, karamihan support staff ngunit may mga doktor at nars na rin, ang sinuspinde makaraang hindi nagpabakuna hanggang Setyembre 15, 2021 na huling araw ng pagpapabakuna.
Maaari pa umanong madagdagan ang bilang ng mga masusupinde o masibak sa trabaho sa gitna ng pag-aaral sa mga kaso ng iba.
May ilang dosena naman umanong bumitiw o nag-resign mula sa 2.7 milyong HCW ngunit hindi umano nakaaapekto ito sa serbisyo publiko na pangkalusugan.
Noon pang Hulyo 12, 2021 inianunsyo ni Pangulong Emmanuel Macron ang sapilitang pagbabakun ng lahat ng HCW sa mga ospital, nursing at retirement homes at home-care nurses at masususpinde o masisiba sa trabaho ang mga hindi susunod.
Nauna rito, tanging ang mga may COVID pass o negative test certificate ang pinapayagang pumasok sa mga bar at kapihan at sumakay sa tren.
Ginawa ang suspensyon o pagsibak sa trabaho sa kabila ng pagkontra rito ng daan-daang libong nagpoprotesta para sa kalayaan nilang magpabakuna o hindi.
Sa mga huling araw ng mga nagpoprotesta, nagsilabasan naman ang mga bakunado at nakasuot ng face mask upang sagupain nang pisikal ang mga nagpoprotesta na ayaw magpabakuna at ayaw magsuot ng face mask.
Inihayag sa mga naunang araw ng mga human righst activist na maaaring aabot sa 10,000 HCW ang maaapektuhan sa kautusan subalit sinabi ng pamahalaan na marami umano ang nagpabakuna bago dumating ang deadline dito na Setyembre 15. Fred Cabalbag
3K ‘di bakunadong health worker sa France, suspindido sa trabaho
Source: Filipino Pinoys
3K ‘di bakunadong health worker sa France
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
suspindido sa trabaho
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento