Galaw ng fully vaccinated APOR sa lockdown areas
Galaw ng fully vaccinated APOR sa lockdown areas, payagan – Bongbong

MANILA, Philippines – “Let them go out for a living. And allow them to be with their families after work. It’s their daily routine to get through with this pandemic… financially and mentally.”
Ito ang naging panawagan ni dating Senator Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., Huwebes, sa Inter-Agency Task Force (IATF).
Giit niya na dapat payagan ang malayang paggalaw ng mga Authorized Persons Outside of Residence (APOR) na kumpletong bakunado sa mga lugar na naka-lockdown.
Sa inilabas kasi na bagong alituntunin ng IATF ukol sa pagpapatupad ng granular lockdown at alert level system ay may nakasaad dito na tanging health workers, uniformed personnel, at OFWs na may byahe ang papayagan lang makalabas sa isang lugar na isinailalim sa granular lockdown.
“Bakit pa sila tinawag na APOR kung hindi rin naman pala sila papayagang makalabas ng bahay, hindi ba’t yun naman ang kahulugan ng acronym na iyon?,” ani Marcos.
“Total lockdowns run counter to having APORs and the IATF will appear inconsistent should they insist on it. We are appealing to the IATF to let fully vaccinated APORs to leave their homes under granular lockdowns,’’ dagdag pa ng dating senador.
Giit ni Marcos na importanteng mapagbigyan ang kanyang hirit para mas makita ng mga hindi pa bakunado ang magiging benepisyo ng mga nabakunahan na. RNT
Galaw ng fully vaccinated APOR sa lockdown areas, payagan – Bongbong
Source: Filipino Pinoys
Galaw ng fully vaccinated APOR sa lockdown areas
payagan – Bongbong
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento