Philippines news
Record breaking kaso ng COVID naitala

MANILA, Philippines – Ngayong araw, Setyembre 11 nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng bagong kaso simula ng pandemya dulot ng COVID-19.
Batay sa case bulletin update, sumirit sa 26,303 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw.
Bunsod nito umabot na sa 2,206,021 ang tinatamaan ng cironavirus disease mula 2020.
Nasa 16,013 naman ang naitalang bagong gumaling sanhi upang maging 1,985,337 na ang recoveries.
Samantala ang bagong pumanaw ay nakapagtala lamang ng 79 at may kabuuan nang 34,978.
Lumobo na rin ang aktibong kaso dahil umakyat na sa 18,706. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Record breaking kaso ng COVID naitala
Source: Filipino Pinoys
Philippines news
Pinoy Trending
politics
Record breaking kaso ng COVID naitala
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento