Gretchen at Ruffa, bati na!

MANILA, Philippines – Tulad ng naiulat namin sa Remate Online, hindi lang mga miyembro ng entertainment press ang binahaginan ni Gretchen Barretto ng kanyang “love box,” kundi mga kapwa artista rin.

Ang love box ay karton na naglalaman ng assorted goodies bilang ayuda ni Gretchen ngayong panahon ng pandemya. Katuwang ni Gretchen ang dating aktres na si Ana Abiera, ang kanyang staff at reporter na si France Simeon para tiyaking na-deliver ang mga ito sa mga bahay ng mga binigyan nila.

Ilan sa mga nagpaabot ng pasasalamat ay sina Jolina Magdangal at Pokwang.

Maging ang mga nakaalitan ni Gretchen ay isinama rin niya sa listahan kabilang dito si Ruffa Gutierrez.

Post ni Ruffa: “I am accepting Gretchen’s kindness and generosity with open arms. Her message to me saying that her love for me will remain till the end of time got me teary-eyed.”

Matatandaang ikinasama ng loob ni Gretchen ang umano’y pakikisawsaw ni Ruffa noong nagkakagulo ang mga Barretto sisters gayong hangad lang naman nito’y makitang magkasundo ang pamilya.

Dagdag pa ni Ruffa: “Life is short so let’s all be merry, at peace and embrace positivity.”

Time heals all wounds indeed. Ronnie Carrasco III



Gretchen at Ruffa, bati na!
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento