illegal selling ng mga kotse sisibakin ni Eleazar
Pulis-MPD na huli sa gun-running, illegal selling ng mga kotse sisibakin ni Eleazar

MANILA, Philippines—Iniutos ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar ang pagsisimula ng Internal Affairs Service (IAS) sa imbestigasyon at pagsibak sa isang police sergeant na natimbog sa Parañaque City.
Kabilang sa walong naaresto si Police Staff Sergeant Michael Salinas ng Manila Police District matapos mahuling nagbebenta ng mga baril at kotse na may palsong dokumento sa isinagawang operasyon ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
“I assure the public that this policeman will be dismissed as part of our internal cleansing. I have already directed the Internal Affairs Service to initiate summary dismissal proceedings against him,” saad ni Eleazar.
Tinatayang higit sa 5,000 kapulisan na ang napaalis sa pwesto dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga at iba pang krimen. Kabilang sa inilunsad ni Eleazar na Intensified Cleanliness Policy (ICP) ang pagbabantay at pagsisigurong walang kapulisan ang masasangkot sa mga ilegal na gawain. RNT/RG
Pulis-MPD na huli sa gun-running, illegal selling ng mga kotse sisibakin ni Eleazar
Source: Filipino Pinoys
illegal selling ng mga kotse sisibakin ni Eleazar
Philippines news
Pinoy Trending
politics
Pulis-MPD na huli sa gun-running
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento