P28B NTF-ELCAC budget sa 2022 ‘bit too much’— Lacson

 MANILA, Philippines—Nagbigay ng pahayag si Senator Panfilo Lacson na sobra umano ang P28 bilyong alokasyong budget para sa National Task Force Agency to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

“Maybe P28 to P29 billion is a bit too much to fund NTF-ELCAC campaign against insurgency kasi sabi nila 3,500 na lang armed regulars. We gave them P16.4 billion for 2021 na di masyadong nagamit. To make matters worse di nagagamit nang tama,” paliwanag ni Lacson.

Ayon kay Lacson, nagkaroon siya ng “frustrations” sa implementasyon ng NTF-ELCAC sa anti-insurgency campaign matapos niyang magbigay ng budget sa taong 2021. Gaya umano ng nangyari sa Davao City kung saan nagbigay ng P1.5 bilyong budget mula sa pondo ng NTF-ELCAC kahit hindi naman nangangailangan ang kanilang lugar.

“There are LGUs nabigyan ng pondo, Davao City P1.5B. Mismo Mayor Sara [Duterte] nagsabi di kailangan ‘yan kasi walang surrenderee. Sa Davao [del] Norte 2,000 surrenderees, zero ang NTF-ELCAC. While it is a good concept, ang implementation again naroon ang problema,” giit niya. “Sa distribution mali na. P28-29B is too much. Di nila kaya, absorptive capacity. We have to scrutinize, look at itemized budgeting for NTF-ELCAC. And they will have to justify.”

Base sa Department of Budget and Management, susundin ng ahensya kung anuman ang magiging desisyon ng mga mambabatas para sa magiging budget ng NTF-ELCAC sa susunod na taon. RNT/RG



P28B NTF-ELCAC budget sa 2022 ‘bit too much’— Lacson
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento