COVID case update
COVID case update, naantala; ilalabas mamayang 8:30 P.M.

Manila, Philippines – Pansamantalang naantala ang paglabas ng case update ngayong araw dahil kasalukuyan pa ring tinutugunan ng Department of Information and Communication Technology ang technical issues na nararanasan ng COVIDKaya kung saan ipinapadala ang mga datos ng COVID-19.
Sa inilabas na public advisory ng Department of Health, ang case bulletin o bagong mga naitalang mga numero ng mga kaso ng COVID-19 ay ilalabas alas-8:30 ngayong gabi.
Nauna nang inanunsyo kaninang umaga ng DOH na ang bagong naitalang kaso ng COVID-19 kahapon, September 8 na mahigit sa 12,751 ay nadagdagan pa ng 5,132 kasunod ng nangyaring technical issues sa COVIDKaya.
Dahil dito, ang naitalang kabuuang bagong kaso kahapon ay lumalabas na umabot sa 17,883.
Gayundin ang recoveries ay nadagdagan din ng 41 . (Jocelyn Tabangcura-Domenden)
COVID case update, naantala; ilalabas mamayang 8:30 P.M.
Source: Filipino Pinoys
COVID case update
naantala; ilalabas mamayang 8:30 P.M.
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento