PGC tutok muna sa pagtukoy ng COVID-19 variants

MANILA, Philippines—Nakatakdang pagtuunan ng pansin ng Philippine Genome Center (PGC) ang pagtukoy sa variants ng COVID-19 sa tulong ng pagbabawas ng ahenysa sa kanilang COVID-19 testing, base sa pahayag ng Department of Health (DOH) ngayong Lunes.

Mula sa 150 hanggang 200 na swab tests, lilimitahan na nila ito sa 50 tests na lamang kada araw na tutulong sa buong genome sequencing ng PGC.

Samantala, mula naman sa 750 tests na pinoproseso kada linggo, makapagsasagawa na ng 1,500 na genome sequencing ang PGC sa mga susunod na araw.

Tinatayang lumakas ang genome sequencing sa bansa makaraang maglaan ng P295.7 milyong alokasyon ang pamahalaan upang mas matukoy pa ang COVID-19 variants.

Dahil aniya sa pondo, matutukoy na ng Visayas at Mindanao ang variant ng COVID na tatama sa isang pasyente.

Dagdag pa rito, mas mapapa-igting din nito ang operasyon sa Philippine Genome Center. RNT/RG



PGC tutok muna sa pagtukoy ng COVID-19 variants
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento