MUP candidate
MUP candidate, umatras dahil sa dengue!

Manila, Philippines – ‘Di lang pala ang pagkakaroon ng COVID ang pwedeng dahilan para mag-quit sa
Miss Universe Philippines 2021 ang isang kandidata.
Kasali na rin ang dengue. At ang unang naapektohan nito ay si Joanna Marie Rabe na kinatawan ng Zambales.
Ini-announce ni Joanna Marie ang pagpapaalam n’ya sa Instagram n’ya ngayong Lunes.
Aniya: “With great sadness, I would like to inform you that my Miss Universe Philippines journey has been cut short.
“I got dengue fever earlier this week and my doctors [advised] that I would need more time to recover my strength.”
Parang kailangan ng imbestigasyon kung paano nakakakuha ng sakit ang mga contestant na supposedly ay nasa controlled environment.
Si Joanna ay kabilang na sa Final 30 candidates na sasabak sa susunod na round ng judging sa Miss Universe Philippines 2021.
Isa pang kandidata, si Gianne Asuncion ng Cagayan, ang nag-bowed out last month dahil nag- positive siya sa COVID-19. She made the cut for the Top 50.
Samantala, nag-quit man si Joanna, optimistic siyang may kinabukasan pa siya sa mga susunod na MUP competition.
“I hope to see you all in a bigger stage and much brighter circumstances in the future,” deklara n’ya. Danny Vibas
MUP candidate, umatras dahil sa dengue!
Source: Filipino Pinoys
MUP candidate
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
umatras dahil sa dengue!
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento