138 bagong kaso ng COVID sa PNP naitala

MANILA, Philippines—Naitala ang 138 pang bagong kaso ng COVID-19 sa mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) na ngayon ay may 37,197 nang kabuuang tala, base sa ulat ngayong Lunes.

Ayon sa PNP, 34,403 na ang nakarekober sa virus habang 2,685 naman ang aktibo pang kaso.

Nanatili naman sa 109 ang bilang ng mga nasawing kapulisan sa COVID-19.

Nitong Linggo, kinilala ni PNP chief Police General Guillermo Eleazar na isang 37 anyos na police master sergeant ang pinakabagong pangalan sa mga nasawi.

Nakaranas umano ng mild symptoms ang pulis noong Agosto 28 at natukoy na nagpositibo sa kanyang RT-PCR test.

Salaysay pa ng PNP, isinugod na sa ospital noong Agosto 30 ang opisyal nang mahirapan na ito sa paghinga. Noong Setyemre 9, tuluyan ng binawian ng buhay ang police sergeant. RNT/RG



138 bagong kaso ng COVID sa PNP naitala
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento