DILG sa planong vaccine bubble: ‘Mangyayari po iyan’

MANILA, Philippines – Posible umanong maipatupad sa bansa ang planong COVID-19 vaccine bubble ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ngayong Sabado, Setyembre 11.

Sa public briefing, sinabi ni Undersecretary Epimaco Densing na kabilang sa napag-usapan ng technical working group ang patungkol sa ‘temporary’ vaccine bubble.

Nakasalang rin na aaprubahan ang kumpletong guidelines patungkol rito.

“Mayroon na pong rekomendasyon at siguro mas maganda pong paabrubahan natin sa IATF principals ‘yung ating rekomendasyon bago magkaroon ng final announcement, kung papayagan natin o hindi pansamantala ang vaccine bubble,” paliwanag ni Densing.

“Isa lang ang sigurado natin diyan: matutupad po ito, mangyayari po iyan,” pagtitiyak niya.

Matatandaang noon pa matunog ang usapin ng vaccine bubble kung saan maaaring mapayagan sa mga vaccinated individual ang pag-avail ng iba’t ibang serbisyong ipinagbabawal sa mahigpit na quarantine restriction.

Sa ganitong paraan umano ay mas makakabawi ang ekonomiya ng bansa. RNT



DILG sa planong vaccine bubble: ‘Mangyayari po iyan’
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento