NTF nakatutok sa CALABARZON na nasa critical area – Vergeire

Manila, Philippines – Nakatutok ngayon ang National Task Force sa Region 4A (CALABARZON) na isa sa critical area.

Ayon kay Health Usec Maria Rosario Vergeire, nakipagpulong na ang DOH sa Region 4A  kung saan tinitignan ang posibilidad na magkaroon sila ng telemedicine providers.

Isa aniya sa nakitang isyu sa CALABARZON ay hindi alam ng pasyente kung saan sila pupunta.

“They have to be navigated para po hindi rin tayo nagkakaroon ng  punuan sa mga ospital because some of those who are going to the hospitals are not really waranted to be in the hospital,” ani Vergeire

Maliban sa telemedicine providers ay tinatratrabaho na rin na palakasin ang kanilang One Hospital Command .

“So magkadugtong po yan telemedicine at One Hospital Command.”

Isa aniya sa isyu o hamon sa CALABARZON ay magkakalayo ang areas hindi katulad sa NCR na urbanized  kaya ito ang  pinag-aaralan at pinag-uusapan.

Tinitignan na rin ng DOH kung ano pa ang maaring mai-augment sa mga kama sa kanilang mga ospital  kung saan maaring maglagay ng modular hospitals o field hospitals sa nasabing mga lugar. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)



NTF nakatutok sa CALABARZON na nasa critical area – Vergeire
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento