DOH sa heathcare workers: Patuloy na lumaban

Manila, Philippines – Nanawagan ang Department of Health  (DOH) sa mga healthcare worker na patuloy na lumaban at kasama ng gobyerno  para maalagaan ang mga kababayan na nagkakasakit  ng COVID-19 sa bansa.

Sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na simula pa lamang ay kanila nang pinahahalagahan at sinusuportahan ang healthcare workers maging ang kanilang trabahong ginagawa lalo’t sila ay napakaimportante lalo sa panahon ngayon ng pandemya.

Ayon pa kay Vergeire,  naglalabi na ang DOH sa Kongreso para sa karagdagang pondo na ilalaan sa kanilang benepisyo upang hanggang matapos ang pandemya ay mayroon silang matanggap na benepisyo.

Pinupursige aniya ng national government  na mabigyan ng proteksyon at tamang benepisyo ang healthcare workers.

Nito lamang nagdaang  mga araw ay may healthcare workers nang umalis sa mga ospital at hindi na rin nag-renew ng kanilang mga kontrata na labis na ipinag-alala ng ospital.

Kasama na rito ang kung paano na matugugunan ang paagtaas ng mga kaso at pagdami ng mga pasyente ng COVID-19 na na-aadmit  dahil sa kakulangan ng mga volunteer doctors. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)



DOH sa heathcare workers: Patuloy na lumaban
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento